IKA'Y MAASAHAN



By Mia Ghibee 



Sa bawat umaga na aking pagising

Nawa ay hindi ako malayo sa Iyong piling,

Ang pasalamatan ka’y lagi kong sasambitin

At sa maghapon, lakas Mo ang aking taglayin.

 

Ang katawang ito ay sadyang marupok

Na hindi ko kakayanin ang anumang pagsubok

Nawa ang presensya Mo ang Siyang lumukob

Upang huwag akong, panghinaan ng loob.

 

Sa bawat unos at bagyo na aking dinadaanan

Hindi ko alam kung hanggang kailan,

Naririnig yaring batingaw ng kampana

Pero tila kay bigat ihakbang ang aking mga paa.

 

Minsan’y ‘di masilayan aking dinaraanan

Mga salita Mo lamang tanging aking tangan

Dahil may pangako kang hindi Mo ako iiwanan

Hanggang sa marating ko ang dulo ng hangganan.

 

Hindi man Kita maramdaman at makita,

Alam kung laging nanriyan Ka

Kahit hindi ko marinig ang Iyong salita

Alam kung kasama kita at dulo’y naroon Ka.

 

Sa panahon ng pag-uusig at labanan,

Puno ng takot na baka hindi ko makayanan

Subalit nariyan Ka upang ako’y protektahan

Ika’y nasa unahan, sa gitna at nasa aking hulihan

 

Kamangha- mangha ang Iyong kakayahan

Dahil alam Mong lahat ng kaparaanan,

Aking mga kamay Iyong hawakan

Dahil Ikaw ang aking Amang inaasahan.

Comments